Wednesday, July 29, 2009

STUPID POLLUTION

July 29, 2009

Wednesday 04:17 karamihan ng tao nasa kahimbingan ng tulog ngayon, ngunit gising pa rin at naka-titig sa isang parisukat na Monitor ng Computer. Tinitingnan ang napakaliit na talaan ng oras sa may bandang baba at humihiling na asana ay ala-sais na. Makauwi na, makapagyosi at makapagpahinga…04:20

04:21 wala pa ring magawa..kung tutuusin meron pa akong 8 email na dapat sagutan..yun ang nakatala sa kontratang pinirmahan ko pero..ayoko nang gawin..nakakatamad..nakakainis..nakakairita..walang silbi ang lahat..walang anu man ang pwede kong magawa na makakapag-alis ng isang napakalaking katotohanan na ako ay nandidito pa rin.. sa isang lugar na nakakasuka, nakakalason at nakakasulasok na kahangalan…

04:23 nasagi sa isipan ko ang nangyari kani-kanina lang.. masaya kaming nagkwekwentuhan tungkol sa mga kabataan at pulitko nang bigla kaming may marinig na isang malakas at nakakatuliling na tawa..kasabay nito ay isang kanta ni Akon na nanggagaling sa celfone..”so naandito nanaman pala ang suki naming perpektong ehemplo ng isang hangal..” gusto ko sana na manahimik na lamang at magpatuloy na magkwento habang naririnig ang isang tunog na hindi mo mawari kung galing ba isang nilalang ng Diyos o isa laman kalansing ng latang walang laman na hindi tumitigil sa ugtol..pero yun nga..kasamaang palad.. hindi ko na kinaya..kaya’t inaya ko palabas ang aking mga kasama at doon na lamang magkwentuhan..

Buhay nga talaga ay lagi na lamang mapagbiro.. simpleng kasiyahan na lang na makapagkwentuhan ng mga bagay-bagay na gagamitan ng talas ng isipan ay hindi ko pa magawa. Simpleng bagay lang…pero siguro ganoon talaga..wala naman akong magagawa kung hindi ay tanggapin ang mga nangyayari..harapin ito at gawan ng paraan..minsan hindi ko rin mapigilan na maiinggit sa mga normal na tao sa paligid ko..oo nga’t ang mga pinag-uusapan nila ay napaka simpleng bagay tulad ng <“Boy! Ilan nga ba napatay mo kanina sa DOTA?” RE: “Puta Pare! Backstab ka naman kanina eh!! Wag kang takot Boy!! Puta pag nakita kita at natira ng Stun Tingnan ko lang kung makapalag ka pa!” RE:RE “HAHAHAHA! ASA pa BOY!!!”> tsaka <”WaaAaAaAa!! NANDiTo ka Geiieeaaeeearrrlllll!!! O anoooOoo?? Saan ka Nanaman Nag PuntAaaAaaaa! Oi anu ba!! Tinext kita kaninaaAaa..bakit hindi ka sumasagoooOoot??”>

NOTE: I tried my best to write what I have seen earlier. The string of identical letters is a representation of a very,very.very excited and very,very,very loud exclaim of a very,very,very,very,very big woman, with a very,very,very,very,very,very,very Big..as In BIG mouth..on to the blog…

..pero at least kitang-kita mo na wala silang iniisip. Stress-free kung baga.
04:47 matapos mag-isip ng ilang minuto..napagtanto ko na hindi naman pala dapat ganoon ang tamang pag-iisip. Dapat tanggapin na lang na ang lahat ng tao ay magkakaiba..hindi porket mali sa iyo ay mali sa kanila..ganoon din naman na ang tama sa iyo hindi rin kaagad tama sa kanila. Siguro magkakatalu-talo na lang kung ang ginagawa mo ba ay nakakasagasa o nagiging istorbo at pasakit sa mga tao sa paligid mo. Isipin na may iba pang tao sa paligid mo na kaparehas mong nabubuhay..sana isipin natin na irespeto natin sila para magkaroon din tayo ng respeto sa sarili. Kung karespe-respeto tayo..rerespetuhin din tayo ng iba..

04:55..malapit-lapit na rin ang ala-sais..

..napakalayo pa ng lahat..

No comments: